Pera – Kanina galing ang perang ginagastos niyo sa pag-iikot sa buong bansa?

Ito po ang pangunahin katanungan ng ating mga kababayan sa 35 probinsyang napuntahan na ng Kalayaan ATIN ITO. Muli, sasagutin namin, ang tanong para na rin sa kaalaman ng lahat.

Punto por Punto: Kahit piso ay wala po kaming tinatanggap at ginagastos na pera mula sa pamahalaan o kanino mang politiko. We are not paid government mercenaries or paid to do political stunts for any politician. We are all volunteers. Marami po tayong mga kababayan na nagbibigay ng libreng tulugan at pagkain sa ibat ibang lalawigan na pinupuntahan ng Kalayaan ATIN ITO. Marami din po tayong mga kababayan ang nagbibigay ng ibat ibang halaga ngunit pareparehong may kalakip na hindi matatawarang pagmamahal sa Inang Bayan. Katulad na lamang ng isang Guro sa Occidental Mindoro State College, na pilit na binigay ang mga baryang laman ng kanyan pitaka at sabay pangakong sasama sya sa paglalayag sa Palawan.

Mga katulad nila na walang pansariling hangarin ang nagbibigay sa Kalayaan ATIN ITO ng suporta at insperasyon sa pagtataguyod sa napakahalagang laban na ito ng ating bansa.

BAKIT PO SA GANITONG MAHIRAP NA PARAAN NANGANGALAP NG PONDO ANG Kalayaan ATIN ITO?

Ang kaganapan ngayon sa Kalayaan Island Group Municipality sa Palawan at Bajo de Masinloc sa Masinloc Zambales ay isang pambihirang pagkakataon para tayo’y magkaisa at ipaglaban ang kalayaan. Hangad po natin na pagmamahal sa Inang Bayan ang tanging dahilan ng pagkakaisa, paninindigan at pagsulong ng taong bayan sa laban na ito.

PAGKAKAISA at PATRIOTISMO ang magbibigay sa atin ng kalayaan. Sulong Pilipino!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s